top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG LALAKING NAGNAKAW NG HALIK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN 1. Kapag ninakawan ka ng halik ng lalaki, Maestro, ibig sabihin ba nito ay mahal ka ng lalaking humalik sa iyo?

2. Siya kaya ang magiging first boyfriend ko at mapapangasawa? Noong bata pa ako, naipangako ko sa aking sarili na kung sino ang lalaking unang makahahalik sa akin ay siya na ang gusto kong mapangasawa.

3. May lalaki kasing gumawa sa akin nito ng minsang magkasama kami sa computer room ng school namin. Madalas kaming dalawa lang ang tao sa computer lab dahil magka-group kami, pero hindi niya ginagawa sa akin ‘yun palagi, kaya lang noong hapon na ‘yun, malakas ang buhos ng ulan nang bigla niya akong hinalikan. Napayakap kasi ako sa kanya nu’ng biglang kumulog at kumidlat.

4. Kaya lang mula nang ninakawan niya ako ng halik, hindi na ‘yun mawaglit sa isipan ko, lalo na sa gabi kapag nakahiga na ako, ang pangyayaring ‘yun ay palagi kong naaalala.

5. Posible kayang siya na ang makatutuluyan ko? Sa ngayon ay magulo ang isip ko at palagi ko siyang naiisip. KASAGUTAN 1. May malinaw na Guhit ng Fling na Relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi na nga maiiwasan, kapag patuloy pa rin kayong nagkikita ng kaibigan mong lalaki na nagnakaw sa iyo ng halik, kahit na sabihing hindi kayo nag-uusap o nagbabatian, tiyak ang magaganap, tulad niya unti-unti na ring mahuhulog ang loob mo sa kanya hanggang sa maipagtapat niya sa iyo ang katotohanang kaya ka lang niya nagawang nakawan ng halik ay dahil sa tindi nang pag-ibig at pagmamahal na nadarama niya para sa iyo.

2. Sa sandaling ipinagtapat na ito ng nasabing lalaki, ru’n na kusang huhupa ang kinikimkim mong sama ng loob at pagkainis upang ang inis na ito ay unti-unti ng mapalitan ng kakaibang damdaming may halo ng pagmamahal. DAPAT GAWIN Habang, ayon sa iyong mga datos, Lovely, darating ang malapit na hinaharap habang papalapit na ang panahon ng tag-ulan, ang Guhit ng Fling na Relasyon (f-f arrow a) ay kusa ng matutupad sa iyong kapalaran, tuluyan na nga kayong makabubuo ng matimyas at nakakikilig na relasyon at sa sandaling nangyari na ‘yun, hindi ka na niya nanakawan ng halik at hindi ka na mapapayakap sa kanya kapag kumukulog at kidlat dahil sa panahong ‘yun, kusa mo na itong ipagkakaloob sa lalaking pinagkatiwalaan mo ng iyong pag-ibig at pagmamahal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page