Kauna-unahang bansa sa Asya | SAME SEX MARRIAGE SA TAIWAN, APRUB
PINAPAYAGAN na ang same-sex marriage sa Taiwan.
Ito ay matapos maipasa ang batas na nagbibigay-daan para sa same-sex couples sa Taiwan na makapagpakasal.
Ang Taiwan ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpasa ng same-sex marriage law.
Sa naganap na botohan, naipasa ang batas kung saan makukuha rin ng same-sex couples ang buong legal marriage rights sa mga usapin ng pagbabayad ng buwis, insurance at child custody.
Matatandaang, noong Mayo 2017, pinayagan ng Constitutional Court ng Taiwan ang same-sex marriage at binigyan ang parliament ng dalawang taon para magsagawa ng adjustment sa batas.





Comments