top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bukod sa napagaganda nito ang daloy ng dugo... PINYA, KERING MAKAPAGPAGALING NG SIPON!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2019
  • 1 min read

NAKAUGALIAN nating kumain ng pinya sa tuwing tumataas ang presyon ng ating dugo dahil pinaniniwalaang nakagaganda ito ng blood pressure, pero knows din ba ninyo na ang pinya ay kering makapagpagling ng sipon? Woah!

Ayon sa mga eksperto, ang pinya ay nagkokontamina ng Vitamin C na nakatutulong laban sa pagkakaroon ng heart disease at joint pain.

Gayunman, sa pag-aaral noong 1994, ang nasabing prutas ay mayroong 75 porsiyento ng mineral manganese na essential sa pag-develop ng strong bones at connective tissue, kaya kung gusto ninyong magkaroon ng matitibay na mga buto, alam n’yo na, ha?

Dagdag pa rito, bukod sa carrot, itlog at mga supplement na may lutein at optein, ang pinya ay nakare-reduce din ng macular degeneration, ang sakit na nakaaapekto sa mga mata, lalo na kung nagkakaedad na tayo.

Samantala, ito rin umano ay anti-inflammatory at nakare-reduce ng blood clot.

Maliban pa rito, kung madalas kayong magkaroon ng sipon, ang bromelain na mayroon ang pinya ay nakare-reduce ng mucus sa lalamunan at ilong at ito ay ayon sa University of Maryland Medical Center.

Kaya kung may sipon kayo ngayon, beshy, bukod sa pag-inom ng gamot at maraming tubig, kumain din kayo ng pineapple chunks. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page