top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sikat na K-actor, 17 yrs. ang tanda sa reporter… KUMPIRMADO: SO JI SUB, GF NA SI JO EUN JUNG

  • Lee Vin Nia
  • May 18, 2019
  • 2 min read

KUMPIRMADONG may girlfriend na ang sikat na Korean actor na si So Ji Sub. The lucky girl is none other than reporter Jo Eun Jung who is 17 years younger than him.

Lumabas kahapon sa news outlet na News1 ang balitang nagde-date ang dalawa. Ayon sa report, nagka­kilala sila nang interbyuhin ni Jo Eun Jung ang aktor for his film, Be With You on SBS’s Night of Real Entertainment in March, 2018.

Pagkatapos nito ay nagkita raw ulit ang dalawa sa isang gathering kasama ang ilan pang mga kakilala at dito na raw nagsimulang umusbong ang pagkaka­kilala nila.

Kaagad namang nagbigay ng pahayag tungkol dito ang isang source mula sa agency ni So Ji Sub na 51K Entertainment at kinumpirma ang balita.

It is true that So Ji Sub and Jo Eun Jung are dating. They are in a serious relationship.”

The source continued, “We are unable to know how long they have been dating because it is the artist’s personal life.”

Kilala ang aktor sa pagiging malihim sa kanyang love life at wala pa siyang in-introduce na girlfriend in public simula nang maging artista siya. In his past interviews, ang lagi niyang sinasabi ay matagal na raw na wala siyang girlfriend at hindi na nga niya matan­daan kung kailan siya huling nag-date.

Sa kanyang pag-amin ngayon, marami ang nag­hihinala na baka nga sa kasalan na ang tuloy nito lalo’t nag-dialogue ang aktor noon na ang gusto niya ay one year dating lang bago siya magpakasal.

Medyo bothered lang ang ilang fans sa laki ng agwat nina So Ji Sub at Jo Eun Jung. He’s 42 and she’s 25. Pero marami rin naman ang nagpakita ng suporta sa relasyon ng dalawa. Sey nga ng isang fan, kahit siya man ang nasa kalagayan ng girl, wala siyang paki kung 17 years older pa ang aktor at ide-date niya rin ito.

Of course, ang dami ring comment na “Age doesn’t matter as long as they’re both happy.”

Isa si So Ji Sub sa A-lister actors sa South Korea. Napakarami na niyang nagawang proyekto sa pelikula at telebisyon. Ilan sa mga pinakasikat niyang K-drama ay Oh my Venus, Master’s Sun, Warm and Cozy among others. Huli siyang napanood sa My Secret Terrius last year.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page