Sey ng experts... MGA TAONG MADALAS NA PINAKIKINGGAN ANG SARILING BOSES, PRONE SA PAGIGING MOODY!


PATOK na patok ngayon ang pagbi-video sa sarili habang nagsasalita, kumakanta o may ginagawa. ‘Yung tipong pagkatapos ninyong mag-record o mag-film, eh, panonoorin ninyo nang walang sawa. He-he-he! Pero, knows ba ninyo na ang pakikinig sa sariling boses ay nagkakaroon ng epekto sa ating mood? Weh, ‘di nga?
Sa research na isinagawa sa Japan at Europe, ang mga kalahok ay inatasang magbasa nang malakas kung saan gumamit sila ng mikropono nang sa gayun ay marinig nila nang maayos ang kanilang sariling boses.
Sa nasabing eksperimento, napatunayan na ang mga indibidwal na nakarinig ng kanilang boses ay naging masaya at positibo kung saan mas naging productive sila sa kanilang ginagawa.
Gayunman, tulad ng pagbabasa, maging ang mga tao na nagko-cover ng kanta at pagkatapos ay pinakikinggan nila ito kung maganda ay masasabing, nagkakaroon din ng positive feeling, lalo na kung mapakikinggan ito ng ibang tao kung saan magbibigay sila ng magandang komento.
Samantala, nakatutuwa dahil sa pag-aaral na ito, pinatunayan na maging ang ating boses ay may maganda ring naidudulot sa ating pagkatao at okay lang umano kahit na tayo ay sintunado.
Kaya ang payo ng mga eksperto, paminsan-minsan ay i-record ang sarili. ‘Ika nga, wala namang mawawala kung susubukan kaya, go,go,go, mga beshy!
Oh, ayan, kung bad mood kayo, just listen to your voice dahil baka ‘yun lang pala ang magpapaganda ng mood ninyo. Huwag maging KJ (killjoy), okie? He-he-he!





Comments