top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Opisina ng simbahan ni-raid | PINOY NA PARI, WANTED

Jersey Sanchez
May 18, 2019
1 min read

SINALAKAY ng mga awtoridad ang mga tanggapan ng Simbahan na sakop ng diocese sa Dallas, Texas.

Ito ay bahagi ng imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ng mga opisyal ng Simbahan sa sexual abuse.

Ayon sa mga awtoridad, pinaghahanap ang isang Edmundo Paredes, Pinoy, na nahaharap sa reklamong pang-aabuso.

Bukod kay Paredes, may iba pang alegasyon ng sexual abuse ang iba pang mga suspek na opisyal ng Simbahan.

Dala ang search warrant, nagtungo ang Dallas Police sa headquarters ng diocese at hinalughog ang storage at opisina ng Simbahan.

Nabatid na kinasuhan ng sexual abuse si Paredes dahil sa pangmomolestiya nito sa isang bata at tatlong menor-de-edad.

Ilang dekada na itong nagsisilbi sa Simbaham sa Dallas ngunit, kamakailan ay bigla itong nawala at pinaniniwalaang nagtatago sa Pilipinas.

Tiniyak naman ni Dallas Bishop Edward Burns ang pakikipagtulu­ngan ng Simbahan sa mga awtoridad.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page