Wala raw alam, magpapaturo na lang sa mga kapwa senador... BATO, TANGGAP NA 'BOBO COP' NG SE
- BULGAR

- May 17, 2019
- 1 min read

HANGA kami sa pagpapakatotoo ng soon-to-be senator na si Ronald dela Rosa na nasa Top 5 position ngayon sa mga nanalong senador sa nakaraang midterm election.
Hindi siya napikon at nagpaapekto sa mga tumatawag sa kanyang “Bobo Cop”. Nagpaabot siya ng pasasalamat sa lahat ng bumoto at nagtiwala sa kanya. Hindi niya ikinahiyang aminin na wala siyang kaalaman sa magiging trabaho ng isang senador.
Hindi siya nag-feeling-matalino at magaling. Magpapaturo raw siya at hihingi ng tulong sa mga veteran senators. At nag-alok naman si Sen. Panfilo Lacson upang maging mentor ni Bato dela Rosa.
Graduate ng PMA si Bato, kaya hindi siya masasabing “Bobo Cop”!





Comments