top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tama na raw ang kasinungalingan na nagbago na… SIGAW NG EX-GF NI BARON: HALOS PATAYIN MO 'KO SA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 17, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NOONG nakaraan ay naging headline ang pagbabagong buhay ng aktor na si Baron Geis­ler, kung saan inanunsiyo pa niya ang plano nilang pagpapakasal ng kan­yang GF na psychologist.

Halos nagkaroon daw kasi ng 360 degrees na pag-ikot sa buhay ng aktor dahil kung dati ay isa siyang basagulero at adik sa alak, kapansin-pansin ngayon ang pagbabago ni Baron sa kanyang buhay at spiritual side.

Ngunit kasabay nito ang paglitaw ng dating karelasyon ni Baron kung saan ibinulgar niya ang ginawang pam­bu­bugbog sa kanya ng aktor na halos ikamatay na niya.

Nakilala ang ex-GF ni Baron na si Karen Anne Toloso.

Isiniwalat ni Karen ang pambu­bugbog sa kanya ni Baron sa isang mahabang post sa social media.

Aniya, “There’s a time to stay silent, there’s a time to speak up.

Stop lying to people, stop lying to yourself. You can’t bury what happened in the past with your LIES.”

Dagdag pa niya, “1 YEAR and 3 MONTHS AGO, YOU ALMOST KILLED ME.

“I let you walk, ‘di kita ipinakulong, ‘di kita kinasuhan. I gave you a chance and the benefit of the doubt because you were ‘changing your life.’ Clearly, you didn’t learn anything at all.

You are NOT the victim here Baron Geisler. It’s time you own up to the truth and face it.”

Nilagyan pa niya ito ng mga hash­tags na #BaronGeisler #Physical­Abuse #VAWC # Domes­ticViolence #RA9262# Victimizing #Mental­Aware­ness #FightForTruth #Womens­Rights.

Sa post ng dating karelasyon ni Baron, makikita ang mga natamo niyang pasa at sugat na dulot diumano ng pananakit sa kanya ng aktor.

Ipinost ito ni Karen matapos mag-tweet si Baron na kahit kailan ay hindi raw siya nanakit ng babae.

Ani Baron, “Excuse me. Never ako nanakit. Puro alleged harassment that cost me millions,” na naging sagot nito nang mag-tweet ang isang netizen na ilang beses na raw na-prove na nanakit ang aktor, pero binibigyan pa rin ng show ng ABS-CBN Network.

Sa panayam ng news portal na PEP.ph kay Karen, inamin niya na ang post daw ni Baron ang nag-trigger sa kanya para ibulgar ang ginawang pana­nakit sa kanya ng dating karelasyon.

Aniya, “He can’t cover up the truth with lies. Masyado niya pi­na­paniwala ‘yung mga tao na nag­bago na siya. Kung nagbago ka tala­ga, ‘wag kang magsi­nu­ngaling, ‘di ba?”

Dagdag pa niya, “I’m all for changes and chances, but I don’t believe he deserves it, or at the very least, has earned it. Let this serve as a warning and an eye-opener to everyone.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page