Sa loob ng 37 taon | MATINDING TAGTUYOT SA NORTH KOREA
MATINDING tagtuyot ang nararanasan ng North Korea sa nakalipas na ilang dekada.
Kasalukuyang nararanasan ang matinding tagtuyot sa North Korea na itinuturing na pinakamalalang tagtuyot sa nakalipas na 37 taon.
Ayon sa Korean Central News Agency, ang naranasang tag-ulan sa bansa ngayong taon ay 2.1 inches lamang na sinasabing pinakamababa noong 1982.
Wala ring inaasahang pag-ulan hanggang sa katapusan ng buwan.
Sa pahayag ng UN, 10 milyong North Koreans o 40% ng populasyon nito ang dumaranas ng food crisis dahil sa matinding epekto ng tagtuyot sa mga pananim.





Comments