PETMALU SA ULTIMATE BOXING KAMAONG PINOY SERIES, ABANGAN


MAY 20 mga professional at astiging Pinoy boxers ang magdadaigan ng lakas para sa isang lokal na live boxing events na itatampok sa isang training program na Ultimate Boxing Series:Kamaong Pinoy simula sa Hunyo.
Sa ilalim ng watchful eye ni Pinoy boxing legend at two-time champ Gerry “Fearless” Peñalosa, may pagkakataon na ang nasabing bilang ng fighters ay mapapanood ng live sa ESPN5 Boxing ng TV5.
Hindi lamang cage fighting ang itatampok sa palabas kundi ang mga paraan kung paano sila mag-training, maging sa conditioning. Maging ang kanilang motibasyon sa buhay, inspirasyon na pinaghuhugutan ng lakas mula sa pamilya at kung paano napagtatagumpayan ang bawat laban. “Ang Kamaong Pinoy ay hindi lang panglaban. Ito rin ay pang-protekta sa mga mahal sa buhay,” saad ni Peñalosa sa media conference ng UBS Ultimate Boxing Series Kamaong Pinoy sa Midas Hotel sa Pasay City kahapon.
Bukod sa live boxing event, isa rin itong reality series para sa mga live audience. “The Filipino boxing scene has never been this exciting,” pahayag ni TV5 President Vincent Reyes.”The search for the next dominant Pinoy boxer can come from anywhere and bring something new to the table- a new table, a new boxing style, a new motivation. We are proud to be a pivotal part of this and to share Gerry’s vision in his search for the next Fearless Pinoy Fighter.”
Ang grassroots event na ito ay serye ng matira at matibay na upakan sa flyweight at bantamweight event na karaniwang timbang ng ordinaryong Pinoy fighters na lalaanan din ng 5 beses na malaking halaga ng kikitain ng fighters at may 10 times na cash din ang makukuha ng isang magkakampeon habang mayroon ding nakalaan na korona para sa maghahari sa dulo ng serye, ayon na rin sa nakasaad sa kanilang kontrata.
Inihilera para sa flyweight fights sina Ronel Sumalpong vs. Ruben Dadivas ng Davao; Joseph Bayubay (Calumpit) vs. Christopher Coron; Ian Refrerra (Phil-Aussie) vs. Welfer Montere; Romel dela Cruz na may 6 fight at wala pang talo ng PHL Team. (MC/ATD)





Comments