top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pahirap ka pala pare, eh! NATALONG MAYOR, GINAMIT ANG P120 MILYONG ALLOWANCE NG MGA PULIS SA KAMPAN

Erlinda Rapadas T.
May 17, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

NU’NG lumabas ang blind item namin tungkol sa isang Metro Manila mayor na natalo sa eleksiyon, na diumano’y inirereklamo ng mga pulis sa kanyang nasasakupang bayan dahil hindi pa naibibigay ang kanilang three months allowance, kinabukasan ay may natanggap pa kaming impormasyon na follow-up sa naisulat namin.

Ayon sa aming source, napag-alaman niya mula sa ilang kausap na pulis na P10,000 allowance pala ang inilaan para sa mga ito ng ama ng lungsod na siyempre ay mula sa bulsa ng mga taxpayers.

Ang siste, nasa 4,000 ang bilang ng mga pulis sa lungsod na hanggang ngayon daw ay hindi pa nakakatanggap ng kanilang allowance sa loob ng 3 buwan na.

Kaya kung susumahin, aba, aabot pala sa P12 million ang budget sa allowance nila na diumano’y ginamit ng natalong mayor sa kampanya nito.

Tsk, tsk! Ang hirap nga naman ng ganu’n, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page