Negosyante hinoldap sa bahay
- Pabs Hernandez III
- May 17, 2019
- 1 min read
BENGUET—Isang negosyante ang hinoldap ng tatlong hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Puguis, La Trinidad sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Rolex Fagyan, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na nasa loob ng kanyang bahay si Fagyan nang pumasok ang mga suspek na agad nagpahayag ng holdap at pagkaraan ay tinangay ang cash, baril at mga alahas ng biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments