top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga imahen at tumatakbo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 17, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Emelyn ng Wendi_Suralta@face-book.com

Dear Professor,

Palagi akong nana­na­ginip ng mga imahen. Sa tuwing may mga proble­ma akong darating ay nag­­papakita sa akin si Mama Mary at minsan ay si Jesus.

Nanaginip ako na may boses akong nariri­nig na sinasabi kung saan ako pupunta at kung ano ang aking daraanan, tapos sabi niya, daraan daw ako sa kuweba at pag­­labas ko raw doon ay tatakbo ako nang mabilis at hindi na raw ako lili­ngon.

Nang pinuntahan ko ang partikular na lugar, may lalaking hindi ko kilala at nagtanong ako sa kanya kung saan ako daraan, itinuro niya sa akin, tapos ang sabi ko, sigurado ka ba at sabi, niya naniniwala ka ba sa Diyos, ang sabi ko, oo, na­niniwala ako.

Nasa isip ko na wala akong dapat katakutan dahil ang Diyos na ang bahala, kaya pumasok ako at paglabas ko ay ka­sama ko pala ‘yung anak ko, nasa tabi ko siya at kaming dalawa ay tatak­bo. Pero, hindi ko alam kung maghahawak-ka­may kami, kaya kinarga ko na lang siya.

Tuluy-tuloy ang pag­takbo ko at sa hindi kala­yuan ay nakikita ko ang pinakamalawak at mapu­ting daan na may mga ulap.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Emelyn

Sa iyo Emelyn,

Madalas nating sina­sabi sa ating kolum ang tungkol sa panaginip na ka­pag napanaginipan ang mga banal na personali­dad, ang nanaginip ay na­hi­hirapan sa buhay at du­maranas ng mga proble­mang hindi niya kayang lutasing mag-isa.

Kaya tama ang sina­sabi mo na tuwing may problema ka. Dahil dito, ang kailangan mong ma­laman ay ang “huwag kang mag-alala, alisin mo ang iyong pangamba at takot” dahil ayon sa panaginip na madalas din nating sina­sabi sa mga nanaginip “the Lord is always with you”.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page