top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG MAKASAMPA SA BARKO

Writer: BULGAR
BULGAR
May 17, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Noon pa ako nag-a-apply sa abroad, ang prob­lema hanggang ngayon ay hindi pa rin ako matuluy-tuloy, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung ngayong 2019 o kaya ay sa susunod na taong 2020 ay susuwertehin na akong ma­ka­pangibang-bansa?

  2. Nakatapos ako ng Marine Transportation at kung matutuloy ay sa pagbabarko ang destinasyon ng career ko, kaya gusto ko ring malaman kung maganda ang Life Line ko at kung sakaling matutu­loy ako, hindi kaya ako mapapahamak sa barko at mahaba pa kaya ang buhay ko?

KASAGUTAN

Kapansin-pansing bukod sa malinaw, ikaw din ay nagtataglay nang mahaba, walang bilog at good-looking Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad kung saan ang magandang “guhit ng buhay” na ito ay tanda na hindi lang magiging mahaba ang buhay mo, sa halip, ikaw ay magkakaroon din ng masagana at magandang pakikipagsapalaran sa mala­yong lugar na pinatunayan at kinumpirma ng malawak at malinaw ding Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang ikinaganda pa nito, bukod sa maayos na Life Line (L-L arrow a.) at ma­lawak na Travel Line (t-t arrow b.) ikaw din ay pi­nagkalooban ng sobrang linaw at maaliwalas na pirma na medyo lumabo lang at nababoy sa bandang una, pero gumanda at naayos din sa gitna hanggang sa dulong ba­hagi. Ibig sabihin, bagama’t, sa unang yugto ng iyong buhay at mga pakikipagsapalaran ay may manaka-nakang pagsubok, ito ay saglit lang at sa sandaling nalagpasan mo ito, tuluy-tuloy na nga ang iyong pag-unlad at mala­king pag-asenso, lalo na sa inaasinta mong pangingibang-bansa.

MGA DAPAT GAWIN

1. Sabi nga, kapag ang mga dasal at pangarap natin ay hindi pa gaanong natutupad ngayon, hindi ibig sabihin nito ay “no” na kaagad ang sagot ni Lord, sa halip, ang sakto raw na nangyayari sa kasalukuyan at sagot talaga ni Lord sa ating mga dalangin na hindi pa natutupad ay “wait”.

Nangangahulugang nade-delay o hindi pa lubusang nangyayari ang ating mga pangarap at inaam­bisyon sa buhay dahil may inihahanda pang mas magan­dang kapalaran sa atin si Lord.

2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Allan, ituloy mo lang ang pag-a-apply mo sa abroad dahil sa susunod na taong 2020, sa buwan ng Abril o kaya ay Mayo, sa edad mong 27 pataas, tiyak na ang magaganap, may mabunga at mabiyayang pagbabarkong itatala sa iyong karanasan na siya na ring magiging simula upang ang buhay at kapa­laran mo sa larangan ng career ay tuluy-tuloy nang umaliwalas, umunlad at sumagana, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page