Simulan nang paramihin ang mga puno
- BULGAR

- May 17, 2019
- 1 min read

Kasabay ng pagdami ng establisimyento, maraming puno rin ang pinutol upang maisagawa ang mga ito.
Ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga puno rin ang itinuturong dahilan ng mga pagbaha sa ating bansa.
Kamakailan, inapbrubahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang batas na magre-require sa mga estudyante na magtanim ng mga puno bilang prerequisite para sa graduation.
Ang House Bill 8728 o Graduation Legacy for the Environment Act ay naglalayong mag-require sa mga mag-aaral na magtatapos sa elementarya, high school at kolehiyo na magtanim ng sampung puno bilang requirement para sa graduation.
Sa ilalim ng batas, ang mga puno ay dapat itanim sa gubat, mangrove and protected areas, ancestral domains, civil at military reservations, urban areas na kabilang sa greening plan ng gobyerno at inactive at abandonadong mine sites.
Dapat din umanong angkop sa lokasyon, klima at topograpiya sa lugar ang itatanim na puno.
Ang batas ay nag-uutos sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (Ched) na ipatupad ito sa mga paaralan.
Magandang requirement ito upang sa pag-alis ng mga magtatapos sa kanilang paaralan, hindi lamang kaalaman ang kanilang iiwanan kundi mga puno na mapakikinabangan ng ating kalikasan at susunod pang mga henerasyon.








Comments