Nag-panic, akala may gas leak | 500 INILIKAS DAHIL SA AMOY NG DURIAN
MAHIGIT 500 katao ang inilikas sa unibersidad dahil sa diumano’y gas leak.
Ang mga inilikas ay pawang mga estudyante at staff ng University of Canberra sa Australia.
Agad nag-post ang mga staff sa Facebook at sinabing, “we’ve been evacuated! Will post an update when students can re-enter the building.”
Nang mag-inspeksiyon ang mga bumbero, napag-alaman na ang amoy ay nagmula sa durian na nasa basurahan at malapit sa air vent.
Ang naturang post ay tinanggal din matapos malaman ang pinagmulan ng amoy.





Comments