top of page

Lalo na ngayong talamak ang mga poser... 5 TRICKS PARA HINDI MA-HACK ONLINE

  • Justine Daguno
  • May 16, 2019
  • 2 min read

FACEBOOK, Twitter, Gmail, Instagram at iba pang social me­dia portal na sobrang kinahu­humalingan ng marami sa atin. ‘Yung tipong hindi kumpleto ang araw kapag hindi tayo nakabi­sita sa alinmang social media accounts. Hmmm…

Kasabay ng modernong panahon, nauuso na rin ang pagha-hack online ng mga taong walang magawa sa buhay. Napakarami nang nabibiktima nito, kaya dapat hindi lang tayo aware sa mga is­yung nakakalat sa online kundi maging ang sarili nating safety ay kailangan din nating bigyang-pansin. Narito ang ilang tips para maiwasang ma-hack online:

1. BE AWARE OF THE INFO YOU SHARE. Masyadong kumplikado ang social media, kaya hindi tayo dapat basta nagtitiwala. Maging conscious tayo sa mga impormasyon na ating isini-share tu­lad ng birth dates, graduation years, phone numbers at iba pang detalye tung­kol sa atin. Ang mga ito ang madalas ga­mitin ng mga hacker para madali silang maka-access sa account ng user.

2. PICK A STRONG PASSWORD. Sa mga malulupit na hacker, wala pang ten minutes ay kayang-kaya na nilang ma-hack ang isang account. Maging matalino tayo sa pagpili ng ating pass­word. Iwasan natin ang paggamit ng mga usual info tungkol sa atin, maaari tayong gumamit ng phrases o anu­mang tricky combination ng numbers at letters. Siyempre, make sure lang na hindi natin ito makalilimutan.

3. BACK-UP YOUR DATA. Ma­halaga ito, lalo na sa mga madalas mag-save ng files. Makatutulong kung pa­lagi tayong mayroong back-up files ng mga ina-upload at isini-save natin. Ma­raming libreng back-up system sa web­site tulad ng crashplan.com at drop­box.com. Kung mabiktima man tayo ng hacker, hindi basta mawawala ang ating mga email, photo, document at iba pa.

4. NEVER OPEN ATTACH­MENTS (UNLESS YOU’RE REAL­LY SURE). Isa sa mga rule na dapat nating tandaan, huwag basta mag-open ng attachments o file sa email. Sa ganitong pagkakataon madalas nabi­biktima ng hacking ang user. Sigura­duhing pamilyar sa atin o hindi kahina-hinala ang attachment bago natin ito buksan.

5. USE A VPN. Ang Virtual Private Network (VPN) ay isa sa mga pinaka­epektibong paraan para maging safe ang ating identity. Kapaki-pakinabang ito, lalo na sa mga suki ng public net­work o ‘yung madalas nakatambay sa coffee shop o library para makasagap ng libreng WiFi.

Sa totoo lang, private o public net­work man ang gamitin natin, wais ang paggamit ng VPN dahil sigura­dong may “extra security” tayo.

Technically, anumang maaaring i-connect sa internet ay malaki ang posi­bilidad na ito ay ma-hacked, pero kung matalino at responsable tayo, malabo tayong mabiktima.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page