Lalo na kung bara-bara kayo sa paglilinis, mga besh! PAGGAMIT NG COTTON BUDS, SANHI SA PAGKAKAROON

MASARAP sa feeling kapag nililinis natin ang ating mga tainga kung saan may ilan pa sa atin ang nakatutulog sa tuwing ginagawa ito. Relate ka, ‘di ba? Pero, knows ba ninyo na ang madalas na paglilinis nito ay nakasasama rin sa atin? Hala!
Sinabi ng mga dalubhasa na sa madalas na paglilinis ng mga tainga, ang facial nerves ay maaaring maapektuhan kung saan nang dahil dito ay puwedeng magkaroon ng malubhang sakit ang indibidwal.
Halimbawa rito ang naranasan ng 31 years old na lalaki na nagkaroon ng seizure at violent headache dahil sa cotton bud na natagpuang naiwan sa kanyang kaliwang tainga.
Ito ay dahil ang paggamit ng cotton buds ay lalo lang umanong nagtutulak sa earwax na pumasok sa loob ng mga tainga na hindi maganda dahil ang earwax o cerumen ay ang nagsisilbing filter sa pagpasok ng mga dumi mula sa polusyon, gayundin, nilu-lubricate nito ang delikadong ear lining at nakapapatay ito ng mga bakterya.
Maliban pa rito, maging ang ear candling ay hindi inirerekomenda dahil bukod sa panganib na makukuha natin sa apoy, ayon sa pag-aaral, ito umano ay nakade-deposit ng candle wax sa mga tainga. Kaya it’s a big no, no!
Kaya sa mga beshy natin diyan na kalikot nang kalikot ng mga tainga na halos ginagawa na araw-araw, wait lang, basahin muna ninyo ang article na ito nang sa gayun ay maiwasan ninyo ang pagkakaroon ng malubhang sakit na dulot ng sobrang paglilinis ng mga tainga.
Be healthy but learn to research, mga beshy!
Okidoki?





Comments