Kabaliwan sa lalaki, ibinulgar… BELA, BINREYK NA NG BF, INIHATID PA PAUWI
- BULGAR

- May 16, 2019
- 2 min read

KUWENTO ng mga kabaliwan sa pag-ibig ang topic ng GGV episode na napanood namin last Sunday night.
Tatlong beautiful ladies ang kakuwentuhan ni Vice Ganda — sina Bela Padilla, Arci Muñoz at Yassi Pressman.
Tingnan mo nga ang mga naggagandahang artistang ito, naloloko rin pala sa pag-ibig.
When asked kung na-brokenhearted na ba sila, in chorus pa ang tatlo sa pagsagot ng, “Yes naman.”
Kuwento ni Arci, “Apat na taon kaming nagligawan. In-stalk ko siya. Nakita siya ng mom ko na may kahalikan na iba. So, naghiwalay kami dahil may iba siyang girl na nagustuhan. Tapos, after one year, nagkita kami sa isang gig. Tuwang-tuwa naman ako at sabi ko sa sarili ko, ‘Talagang kami na nga kasi pinuntahan niya pa ako.’
“Tapos, one day, six in the morning, ayun, tumawag siya at bigla na lamang sinabing ‘I want a breakup.’ So, ‘yun na.”
Si Yassi Pressman, sabi niya, dalawang taon daw silang magkaibigan ng guy. Tapos, naging sila.
She continued, “While we were on, sinasabi sa akin ng marami na may ibang girlfriend ‘yung boyfriend ko. Ayaw kong maniwala. Then, one time, I confronted her to find out the truth which really hurt me.”
Kay Bela ang napakasakit. Nakipag-break daw sa kanya ang boyfriend niya. Gusto niya pa sanang tumawad. In the end, sabi nito, “Ako pa ang naghatid sa kanya pauwi. Wala kasi siyang dalang kotse.”
Arci and Yassi talked about how they really spent money on their boyfriends.
Sey ni Arci, “Pinapinturahan ko pa ang bahay niya. I bought a bed. Kasi ‘pag in love ka, gusto mo talaga, maging happy siya.”
At kay Yassi naman, “Ako’ng naghulog ng kotse niya.”
Would you believe that?
Share naman ni Vice, “Akala ko, kami na, only to find out na hindi pala kami. Masakit. In-assume ko na we were on, hindi naman pala!”





Comments