top of page
Pokwang.jpg

Amo na may hawak na green na palaka

Writer: BULGAR
BULGAR
May 16, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Alicia ng Alicia_ Ca­rillo@facebook@facebook.com

Dear Professor,

Puwede bang malaman kung bakit ko napanaginipan ang amo ko na may hawak daw siyang green na malaking palaka? Nang magising ako ay hawak niya at nakatayo ako sa harap niya. Kinakausap pa niya ako tungkol sa palaka na nakapasok sa bahay nila.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Alicia

Sa iyo Alicia,

Minsan, mahirap paniwalaan ang kahulugan ng mga pa­naginip. Minsan, nakagugulat, minsan, nakatatakot at min­san ay nakapangangamba. Tulad mismo ng kahulugan ng iyong panaginip sa palaka na hawak ng amo mo na nag­sa­sabing, ang karamdaman o sakit ay nasa bahay ng amo mo.

Kaya dahil ang iyong panaginip ay nagbababala, ang mga payo o puwede mong gawin ay ang mga sumusunod:

  1. Kailangan mong maging malinis sa iyong sarili at sa mga gamit mo, lalo na sa mga personal mong gamit.

  2. Kailangan ang silid-tulugan at maging ang unan, ku­mot at iba pa ay palaging malinis.

  3. Maganda rin na maligo nang dalawang beses sa isang araw.

  4. Ang mga kamay ng tao ay kadalasang instrumento sa pagkakaroon ng sakit, kaya dapat palaging malinis ang mga ito at mahigpit na inirerekomenda ang paggamit ng guwantes.

  5. Ang mga paa ng tao ay kadalasan ding sanhi kung bakit nagkakasakit, kaya mas magandang palaging malinis ang mga ito, lalo na ang talampakan at ang bahagi sa pagitan ng mga daliri.

  6. Maganda rin na ang mga kuko sa kamay at paa ay maiksi lang dahil kapag humahaba ito, posibleng pamugaran ng mga mikrobyo.

  7. Maganda rin na palaging naka-facemask nang sa gayun ay makaiwas sa mga virus na makukuha sa hangin.

  8. Ang isa pang inirerekomenda, pero pag-aralan mo munang mabuti bago sundin o gawin ay ang paghahanap ng bagong amo o tirahan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page