top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Shoutout sa mga ayaw mabaon sa utang diyan... TIPS PARA SA MATALINONG PAGGAMIT NG CREDIT CARD

Jersey Sanchez
May 15, 2019
2 min read

SWIPE rito, swipe roon — may kakilala ka bang ganito o ikaw mismo ang ganito? Hmmm… hindi natin maitatanggi na convenient itong gawin, pero dahil limitado ang laman nito, dapat alam natin kung kailan ito dapat at hindi dapat gamitin. Dahil dito, narito ang ilang pagkakataon na hindi ninyo dapat gamitin ang inyong credit card:

1. IF YOU CAN’T AFFORD TO PAY THE BALANCE. No offend, besh, pero, kung hindi mo kayang bayaran ang anumang binili mo, ibig sabihin, hindi mo talaga ito afford. Kung gagamitin mo ang iyong credit card kahit alam mong hindi mo ito kayang bayaran, mataas ang tsansa na mabaon ka lang sa utang.

2. IF YOU DON’T KNOW YOUR AVAILABLE CREDIT. Bagama’t, may mga bangko ng nagtanggal ng over-the-limit fee, hindi pa rin oks na sagarin ang available credit nito. Gayunman, kung hindi ka sigurado sa available credit ng card mo, mabuting itsek mo muna ito bago gamitin. Magandang paraan ito para ma-monitor mo ang iyong mga nagagastos.

3. TO MAKE YOURSELF FEEL BETTER. ‘Ika nga nila, ang pagsa-shopping ay “stress reliever”, pero, kung masasanay ka na gumamit ng credit card para rito, finish na, besh! Kung stressed ka o may pinagdaraanan, siguradong may iba pang paraan para magtanggal ng stress tulad ng pag-eehersisyo, pagbabasa ng libro at iba pa.

4. IF YOU HAVE DEBT. Kung may utang ka na, besh, huwag mo nang dagdagan pa. Ang hindi paggamit ng credit card habang may utang pa ay magandang paraan upang hindi ka mabaon sa utang. Tiis-tiis lang, sis! Kapag bayad ka na, puwede ka nang gumastos ulit. Okie?

5. IF YOU’RE INTOXICATED. May mga pagkakataong hindi natin nako-control ang ating mga desisyon, lalo na kung intoxicated o gutom tayo. Agree? Gayunman, mabuting huwag manatili sa mall o pamilihan, lalo na kung limitado ang cash na dala mo. Sa ganitong paraan, mako-control mo ang finances mo. Copy?

6. IF YOU DON’T TRUST THE PERSON OR DEVICE HANDLING IT. Sa pamamagitan ng credit card skimming, maaaring manakaw ang iyong mga impormasyon. Dahil dito, kung may napansin kang kahina-hinala sa device o sinumang may hawak ng card mo, mabuting huwag mo na itong gamitin.

Oh, mga bro at sis, hinay-hinay lang sa pagsa-swipe, ha? Hindi masamang gumamit ng credit card, pero, make sure na gagamitin ninyo ito nang tama. Mas mabuti nang maging mahigpit sa paggastos kaysa mabaon sa utang. Swipe wisely, mga beshy! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page