Dagdag-suweldo sa mga empleyado ng facebook, aprub
Jersey Sanchez
May 15, 2019
1 min read
ITINAAS ng Facebok ang suweldo ng kanilang mga manggagawa sa US.
Ayon sa kumpanya, magiging $20 per hour o mahigit P1,000 kada oras ang minimum wage ng contract workers sa America, partikular sa San Francisco Bay Area, New York at Washington.
Kasalukuyang nasa $15 o higit P700 kada oras ang suweldo ng mga manggagawa ng Facebook sa nasabing mga lugar mula noong 2015.
Sa kalagitnaan ng susunod na taon ipatutupad ang dagdag-suweldo.





Comments