Contestant sa Idol Philippines, inayawan kahit may 'K'... NETIZENS KINA VICE, MOIRA AT JAMES


UMUUSOK ang ilong at bumubula ang bibig ngayon ng mga netizens sa galit sa tatlong judges ng Idol Philippines na sina Vice Ganda, James Reid at Moira Dela Torre.
Naba-bash ang tatlo at grabe ang reaksiyon ng mga netizens online dahil sa pag-reject nila sa contestant na si Luke Baylon na nag-audition sa Idol Philippines.
Reggae version ng If I Ain’t Got You ni Alicia Keys ang kinanta ni Luke, but unfortunately, hindi siya pumasa sa panlasa nina Vice, James at Moira at tanging si Regine Velasquez ang nag-yes sa kanya.
Dahil dito, kani-kanyang opinyon ang mga netizens na nagandahan naman sa performance ni Luke.
Anila, walang alam ang mga judges na kinuha ng ABS-CBN para sa Idol Philippines dahil hindi marunong mag-appreciate ng reggae music. Palitan na lang daw ang mga ito dahil wala namang alam talaga sa music at artista level ang hanap kaya siguro ni-reject si Luke na hindi artistahin ang dating.
May netizens pang nag-comment na si Regine lang talaga ang may “K” maging judge ng Idol Philippines dahil sa tagal at track record nito sa music industry, habang sina Vice, James at Moira, ‘di naman daw mga totoong singers pero pinag-judge sa singing search.
O, ‘di ba, ang mga naturingang judges ang hinusgahan ngayon ng madlang pipol?! ‘Kalokah!





Comments