top of page

Campaign posters, i-recycle!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 15, 2019
  • 1 min read

NAGSIMULA na ang pamahalaan na magbaklas ng cam­paign posters.

Kamakailan, umabot sa 580,000 illegal campaign posters ang nakolekta ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon sa NCRPO, nakatakdang i-turnover ang mga ito sa waste management department ng bawat lungsod para sa posibleng pag-recycle sa mga ito.

Dahil dito, hinimok ng environment health watchdog na EcoWaste Coalition ang mga kandidato na linisin ang mga kalat mula sa ginamit na campaign materials noong eleksiyon.

Ayon sa grupo, sa halip na itapon, maaaring i-recycle ang cam­paign materials upang mapakinabangan.

Halimbawa nito ang mga bag, school supply at iba pang puwedeng magawa mula sa campaign materials.

Pakiusap ng grupo, huwag sunugin at ikalat ang nagamit na materyales.

Mula sa nahakot na campaign materials ng grupo, nakagawa sila ng iba’t ibang uri ng bag gamit ang campaign posters.

Batay sa tala, 30 kilos ng plastic scrap ang nalikom ng grupo at ini-recycle para gawing bag.

Samantala, ang mga papel na campaign materials ay maaaring gawing folders, memo pads, envelopes at marami pang iba.

Pagkatapos ng halalan, hindi dapat hayaan na nakakalat lamang sa lansangan ang campaign materials na pinakinabangan.

Magandang paraan ang pagre-recycle upang muling magamit ang mga bagay na napakinabangan na, gayundin, upang mabawasan ang mga basurang nalilikom natin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page