Bukod sa pagkakaroon ng magandang metabolism... OOLONG TEA, EPEKTIB NA PANLABAN SA ECZEMA!
- BULGAR

- May 15, 2019
- 2 min read

ANG oolong tea ay ang pinagsamang dark at green tea kung saan marami itong benepisyong maidudulot sa ating kalusugan. Pero, bukod sa nakabu-boost ito ng metabolism ay keri rin nitong mapagaling ang eczema na inyong iniinda. Talaga ba?
Sa totoo lang, ang oolong tea ay traditional Chinese tea na nagmula sa dahon ng Camellia Sinensis Plant.
Gayunman, ang lahat ng tsaa ay nagkokontamina ng enzymes na nakapo-produce ng chemical reaction na oxidation at ito ang dahilan kung bakit nagiging itim ang kulay ng tsaa.
Ang oolong tea ay nakape-prevent ng diabetes dahil sa polyphenol antioxidant na mayroon ito na nakapagpapababa ng insulin.
Dagdag pa rito, dahil nabu-boost nito ang ating metabolism, epektibo itong inumin kung nagpapapayat kayo.
Samantala, ito rin ay nakai-improve ng brain function dahil sa theanine o amino acid na nakabu-boost ng attention at nakare-relieve ng anxiety.
Kung medyo problemado naman kayo sa inyong mga ngipin at buto, don’t worry dahil oolong tea lang ang katapat niyan, mga beshy!
Ayon sa pag-aaral, ang oolong tea ay mayaman sa flouride na mainam para sa mga ngipin kung saan natatagpuan din ito sa mga toothpaste na ating ginagamit.
Maliban pa rito, knows ba ninyo na ang polyphenol ay nakatutulong sa pagpapagaling ng eczema, ito ay ibinase sa eksperimentong ginawa ng mga eksperto sa 118 indibidwal kung saan uminom sila ng oolong tea sa loob ng 2 linggo kung saan 63 % sa kanila ay kinakitaan ng improvement.
Kaya sa mga namumroblema sa eczema o sakit sa balat, dehins n’yo na need bumili ng kung anu-anong pamahid dahil oolong tea na pala ang sagot diyan.
Be healthy, drink oolong tea! Okidoki?





Comments