Alamin mula kay Maestro... SADLAKANG KAPALARAN NG MGA TANDANG PAGDATING SA PAG-IBIG
- BULGAR

- May 15, 2019
- 2 min read


SA pag-ibig at pakikipagrelasyon, sinasabing sa panahong ito ng iyong buhay, hindi mo dapat balikan ang mga kabiguan at tagumpay sa nakaraan, sa halip, anuman ang naidulot ng nagdaan mong mga relasyon, kalimutan mo na ‘yun at mag-move-on ka na, kasabay ng pagtatangka na magkaroong muli ng bago at mas makabuluhang relasyon.
Sabagay, halos ganu’n ang nakatakdang mangyari kung saan ngayong Taon ng mga Baboy, ‘yung mga Tandang na wala pang-boyfriend/girlfriend, hindi nagka-boyfriend/girlfriend, sa panahong ito ng inyong buhay, kusang lalakas ang inyong magnetismo sa opposite sex kaya ang posibleng mangyari, bigla kayong makatatagpo ng kataling-puso o nilalang na magpapaligaya sa iyo, lalo na kung ang nasabing nilalang ay isinilang sa animal signs na Baka, Dragon at Ahas.
Sa kabilang banda, kung nananatili pa ring walang love interest ang Tandang ngayong 2019, hindi ka dapat malungkot, magmukmok o mawalan ng pag-asa dahil sa bandang huli, sa sitwasyon at pangyayari na hindi mo inaasahan, biglang lalabas ang babae o lalaking padala sa iyo ng langit na makakasama mo sa pagbuo ng iyong mga pangarap at kaligayahan, habambuhay.
Tulad ng nasabi na, magiging kalugud-lugod at maligaya ang pakikipagrelasyon ng Tandang sa kapwa niya Tandang, gayundin, sa Baka, Ahas at Dragon.
Higit na magiging mapalad ang Tandang ngayong taon mula sa ika-5 ng Mayo hanggang sa ika-14 ng Hunyo, mula sa ika-28 ng Agosto hanggang sa ika-28 ng Setyembre at mula sa ika-5 ng Disyembre hanggang sa ika-28 ng Enero 2020.
Samantala, 5, 7, 8, 14, 23, 38 at 41 ang mga numerong sadyang mapalad para sa mga Tandang.
Ang gold, yellow at silver ay paborable ninyong kulay habang buwenas ang direksiyong west, southwest at northeast.
Magbibigay ng kakaibang sigla at buwenas ang halamang Gladiola, Sunflower at lahat ng halamang may malaki at dambuhalang petals.
(Itutuloy)




Comments