2 sugatan sa granada
- Pabs Hernandez III
- May 15, 2019
- 1 min read
MAGUINDANAO—Dalawa katao ang sugatan sa naganap na pagpapasabog ng granada, kamakalawa sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya ay hindi na pinangalanan ang dalawang biktima na kapwa ginagamot na sa ospital sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nakatayo ang dalawang biktima ay biglang may naghagis at nagpasabog ng granada sa kanilang kinatatayuan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente ng pagpapasabog.





Comments