Todo-suporta sa mga kandidato, pero… NABULGAR: KRIS, ‘DI BUMOTO
- BULGAR

- May 14, 2019
- 1 min read

NALULUNGKOT si Kris Aquino na hindi siya nakaboto kahapon dahil nilalagnat siya. Nanghihinayang din siya sa mga kandidatong sinusuportahan niya na hindi niya naiboto.
Sa kanyang post ng Mother’s Day greeting para sa kanyang ina ay may basher na nagkomento tungkol sa pagsuporta niya kay Bong Go.
“I can’t reconcile ‘prinsipyo’ and Bong Go. And I’m kinda sure that Cory and Ninoy would not have approved of your support for him. Enough of your reality distortion field. It doesn’t sell anymore,” pahayag ng netizen.
Sinagot ito ni Kris at dito nga niya sinabing hindi siya nakaboto.
“You might just get your wish (although nanghihinayang ako for 9, 15, and 25)- I seem to have the flu, fever was 39.4 last night, still 38.5 now because I’m allergic to all fever reducers including paracetamol.
“Been taking immunity boosting echinacea, zinc plus vitamins A, C, and E we bought in Singapore,” bahagi ng sagot ni Kris.
Dagdag pa niya, as much as she would like to vote ay ayaw naman daw niyang makahawa ng mga tao.
“Gusto kong bumoto pero ayokong makahawa sa mga nasa precinct & also make my condition worse,” ani Kris.
At sa komentong hindi rin daw aaprubahan ng mga magulang niyang sina Ninoy at Cory ang pagsuporta niya kay Bong Go, sagot ni Kris, “Obviously hindi mo kilala personally ang mom ko- never syang nagdikta kung sino ang iboboto dahil may tiwala sya na matalino ang anak nya.”
Dagdag pa ni Kris, “Hindi ko alam kung ‘yung fever ko ngayon ang nag-co-confuse sa ‘kin pero anong ibig sabihin ng ‘reality distortion field?’”





Comments