Nagmaneho ng lasing, arestado… LISENSIYA NI KIM BYEONG OK, SINUSPINDE, PINAGMULTA NG 2 MILLION WON

WALANG arti-artista sa South Korea kapag lumabag ka sa batas at pagpapatunay nito ay ang pagkakahuli sa aktor na si Kim Byeong Ok na nagmamaneho nang lasing.
It was reported na last Feb. 12, nahuli si Kim Byeong Ok na nagmamaheho nang lasing sa parking lot ng kanyang apartment sa Bucheon located in Gyeonggi Province.
Nahuli siya matapos may mag-report na isang residente na nagsabing may nagmamaneho raw nang hindi normal sa parking lot. In fairness, nakakabilib ang bilis ng pagdating ng mga pulis.
Sumailalim agad sa blood alcohol content test si Kim Byung Ok at lumabas sa resulta na 0.085 percent ito, na sapat na para suspendihin ang kanyang driver’s license.
Ang statement that time ng aktor, sa parking lot lang siya nag-drive at inihatid lang siya ng driver sa kanyang apartment.
Pero sa imbestigasyon ng pulisya, it was revealed na nag-drive si Kim Byeong Ok ng 25 kilometers mula sa Lotte Department Store in Bucheon to his apartment.
Last May 12 ay binigyan na ng parusa si Kim Byeong Ok ng Incheon District Court at pinagmumulta siya ng 2 million won (approximately $1,702).
Si Kim Byeong Ok ay isang character actor at napanood na sa maraming Korean dramas.





Comments