Kelot nilikida ng mga armado
- Pabs Hernandez III
- May 14, 2019
- 1 min read
ORIENTAL MINDORO—Isang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Villa Cerveza, Victoria sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Benjamin Algeria, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na lulan ng SUV si Algeria nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments