top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kaya raw tsinugi agad, aktres todo-iyak… SERYE NI KYLINE, BAGSAK NA ANG RATINGS, WALA PANG ADS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 14, 2019
1 min read

NAAWA naman kami kay Kyline Alcantara sa mga nababasa naming bad comments at write-ups sa kanya.

Naging emotional daw si Kyline sa last taping day ng kanyang teleseryeng Inagaw na Bituin dahil naka-one season lang ang soap niya dahil sa kawalan ng ads at mababang rating.

Hurt na hurt daw si Kyline sa big­laang pagtatapos ng kanilang INB, tapos kung anik-anik pang masasakit na comments ng kanyang mga bashers sa socmed ang nabasa niya.

At may patama comment pa ang isang basher na nagsabing “From rising starlet to lugmok starlet.”

Naku, kantahan mo na lang sila, Kyline, ng awiting may lyrics na… “Hayaan mo sila… hayaan mo sila ang maghabol sa iyo… Yeah, yeah, kalimutan mo na ‘yan, ‘wag kang magpakahibang…” ng Ex Battalion.

‘Yun na! Yes, Kyline… you’re only sweet 16 at marami ka pang opportunities na haharapin sa buhay, so be brave, girl.

‘Yun lang!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page