Taglamig Ni Ronalyn Seminiano Reonico
- BULGAR

- May 13, 2019
- 1 min read

Umiyak ako nang ako’y iyong iniwan na
wala man lang paalam.
Ang aking pangarap, ngayo’y binalutan ng niyebe,
maputlang puting anino sa aking haligi.
Mga bakanteng kabibe ng iyong alaala,
nananatiling umaaligid sa paligid.
Ako’y nakararamdam ng pait,
tuwing alaala’y bumabalik.
Ngayon ako’y mag-isa sa aking silid.
Ang mga pakpak na noo’y yumayakap, ngayo’y wala na.
Ngayon, ako’y mag-isang nakaupo sa hapag,
puno ng malamig na simoy ng niyebe.
Aking naalala, noon ay hinahawakan mo aking mga kamay,
ako’y kinakalong kahit pa magdamag.
Ngunit, ngayon ang mga araw na’yun ay wala na.
Alam kong darating ang panahong sakit ay malilimot ko na.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments