top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kesa kina Piolo at Ogie… HIRIT NG MADLANG PIPOL: LUIS AT VHONG, MAS OKS NA KAPALIT NI JOHN LLOYD SA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

VIRAL sa socmed ang first episode ng Home Sweetie Home Extra Sweet. Hindi basta trending lang ang nangyari kundi Top 1 sa Philippine trends ang sitcom na pinangungunahan ni Toni Gonzaga, kaya nagpapasalamat ang mahusay na TV host-actress sa mga sumuporta sa programa.

Kinagat agad ng madlang pipol ang pagbabagong-bihis ng programa. Naka-move on na raw kasi si Toni a.k.a. Julie kay Romeo (John Lloyd Cruz) na asawa niya sa sitcom. Maraming nadagdag na characters ngayon.

Nawala na sina Piolo Pascual, Ogie Alcasid at ang ibang mga komedyanteng actors na kasama sa programa.

Pinalitan sila nina Luis Manzano, Vhong Navarro, Bayani Agbayani at Alex Gonzaga. Kasama rin sina Yam­yam at Fumiya, ang kalalabas lang na mga housemates sa PBB house.

Pero, ang tanong ng mga netizens, tuluyan na nga raw bang hindi ibabalik ang character ni Lloydie sa programa?

May nagsabi pang okey na rin daw na wala na si JLC dahil mas enjoy silang panoorin ang bagong concept ngayon.

“Katunayan, mas maganda at nakakaaliw ang bagong konsepto ng sitcom dahil kina Vhong at Luis kesa nu’ng nawala si Lloydie at ang ipinalit ay sina Papa P. at Ogie.”

‘Yun na!!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page