top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit mga BFF pa ng mister na si Rudy… LORNA, KUMANTA KUNG BAKIT 'DI IKINAMPANYA SINA JINGGOY A

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2019
  • 1 min read

HINDI man naging visible si Lorna Tolentino sa pa­nga­ngampanya para sa mga BFF ng yumaong si Rudy Fernandez na sina Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr., alam na­man daw ng mga ito na su­mu­suporta siya sa kanila.

Hindi rin interesado sa politics si LT, kaya wala siyang ineendorsong anu­mang party­list. Kahit na kasama siya sa seryeng Ang Probinsyano, hindi na­man siya nalinya sa puli­tika, kaya ang character niya ay nag-stay pa rin sa serye, ‘di tulad nina Lito Lapid, Edu Manzano, Jhong Hilario, Eddie Garcia, Roderick Pau­late, atbp. na naging bahagi ng Ang Probinsyano.

Samantala, thankful naman si Lorna dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng mga producers, TV networks at ganu’n din ng ilang endorsements.

Fifty (50) years na sa showbiz si LT, but still, ang galing niyang umarte at classic beauty ay hindi kumukupas.

Personal choice siya ni Rhea Tan ng Beautederm upang maging endorser ng bagong produkto niyang Cristaux Gold na bagay na bagay sa mga babaeng nasa edad 22 pataas.

Napapanatili nito ang youthful and flawless look ng isang babae. Kahit biyuda na si LT, hindi naman siya nagpabaya sa katawan at maganda pa rin.

For sure, maraming maeengganyo na tularan at alamin ang beauty secret ng isang Lorna Tolentino.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page