top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Mayo 13, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 13, 2019 (Lunes): Malakas ka, hindi ka mahina. Nasa isip mo lang ang mga negatibong pananaw. Kumilos ka at makikita mong ikaw ay mas ma­lakas kaysa sa mga pangkaraniwang tao.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo ang nasa sa iyo na. Ang hindi pa sa iyo ay puwede ring mapa­saiyo. Ang importante ay ang patuloy kang kumi­kilos para madagdagan ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-24-39-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong akalain na hindi mo kakampi ang langit nang dahil lang sa hindi mo nakuha ang gusto mo. Ang totoo, ang mapasa­saiyo ay ipagpa­pasalamat mo dahil sobra na ito sa kailangan mo. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-24-28-35-41.

GEMINI (May 21- June 20) - Nagmamadaling dumapo sa iyo ang mga suwerteng kumuha nang tamang pagkakataon para lubu­sang magalak ang puso at damdamin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-17-22-25-43.

CANCER (June 21- July 22) - Muli, mag­papakita ng kalambutan ang iyong personalidad. Dahil ang alam mong hindi mo dapat pagbigyan ay iyong ha­hayaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-28-35-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpakita ng hindi maganda sa iyong kinaiinisan. Sa ganitong paraan, ang langit na mismo ang magpa­padama sa kanya na siya ay aani ng mga hindi magandang pangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-14-25-33-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinahon ang kailangan mo. Ang ma­hinahon ay hinahangaan at ang mapupusok ay nilalayuan. Sa ganito, hahangaan ka ng langit at ikaw ay pagpapalain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-24-30-39-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Huwag kang tumulad sa iba na itinatago ang sarili at sa huli ay nagsisisi dahil sa ginawa nilang pagku­kunwari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-21-28-30-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tata­maan ka ng hindi nakiki­tang sinag ng bituin ng kasaganahan. Biglang magbabago ang mundo mo kung saan sobra kang sasaya dahil sa mga kaganapan sa buhay mo.

Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-18-22-25-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tulad ng magagandang dalaga na pumaparada ngayong buwan ng mga bulaklak, ang magagandang oportu­nidad ay isa-isa, pero sabay-sabay na magpa­pakita sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-18-20-27-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit nagdududa ka sa sarili mo, huwag kang magduda sa langit dahil ang mga kahilingan mo ay makikitang isa-isang nangyayari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-21-24-31-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ki­buin ang ayaw mo. Mas maganda na alam niya na hindi mo siya gusto. Kapag nagkunwari ka, sasakit ang ulo mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-10-21-29-31-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong haya­an na maapektuhan ka ng mga pinagsasasabi ng mga taong alam mong kulang sa gawa. Hindi lang sakit ang nakahahawa dahil nakahahawa rin ang pangit na gawi at ugali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-17-25-35-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page