Cheese, coffee, citrus fruits etc… IBA’T IBANG PAGKAIN NA SANHI NG BAD BREATH
- Ms. Jersy
- May 13, 2019
- 2 min read

FOR sure, lahat tayo ay ayaw magkaroon ng bad breath. Kaya lahat ng puwedeng makabuti sa ating oral health ay ginagawa natin, agree? Bukod sa pagme-maintain ng oral hygiene, alam ba ninyo na dapat din tayong maging maingat sa mga pagkaing ini-intake natin para hindi tayo magkaroon ng bad breath? Narito, ang ilang pagkain na nagdudulot ng mabahong hininga:
1.CITRUS FRUITS. Ayon sa mga eksperto, prone ang odor-causing bacteria sa acidic environment kung saan ang pagkain ng maraming citrus fruits ay nakapagpapataas ng tsansa na magkaroon ng bad breath ang indibidwal, partikular kung prone ito sa acid reflux.
2.PROTEIN. Ang labis na pagkonsumo ng protein ay maaari umanong magresulta ng bad breath. Mahalagang i-monitor ang dami ng kinokonsumong protein upang maiwasan ito. Gayundin, inirerekomenda ang pag-intake ng mga pagkaing may zinc tulad ng spinach, pumpkins at chickpeas dahil nakatutulong ito upang mabawasan ang pagkakaroon ng bad breath.
3.CHEESE. Ang dairy products ay nagkokontamina ng amino acid na nagre-react sa oral bacteria para mag-produce ng sulfur compounds na nagiging dahilan ng bad breath. Sa mga cheese lover diyan, alam n’yo na, ha?
4.PEANUT BUTTER. Bagama’t, magandang source ng protein ang peanut butter, ang consistency nito ay nagpapahirap sa laway na i-breakdown ang protein kapag nasa bibig kaya ito ang sanhi sa pagkakaroon ng bad breath.
5.PASTA SAUCE. Tulad ng citrus fruits, ang acidity mula sa kamatis ay maaaring maging sanhi ng pagdami ng acid sa bibig na makapagpaparami ng bacteria rito. Ayon sa mga eksperto, ang ‘pesky’ bacteria ay nagreresulta ng bad breath.
6.COFFEE. Sey ng experts, ang kape ay mayroong drying effect sa bibig kung saan nababawasan nito ang saliva flow, gayundin, napatatagal nito ang bacteria sa bibig. Kaya ang payo ng mga eksperto, uminom ng tubig pagkatapos magkape dahil ang tubig ang nagsisilbing cleansing agent at nakapagdi-dissolve ng ‘stinky’ substances.
Woah! Hindi natin alam na ‘yung mga paborito natin, eh, nakapagdudulot pala ng bad breath. Puwede pa rin ninyong kainin ang mga ito, ngunit, make sure na hindi ninyo pababayaan ang oral hygiene ninyo para manatili kayong fresh breath.
Gets mo?




Comments