top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ayaw na raw sa mga basketbolista dahil naloloko lang… ION, MAGALING MAG-SHOOT KAYA NAKUHA SI VICE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2019
  • 1 min read

INAMIN ni Anton Diva, isa sa mga close friends ni Vice Ganda, na halata niyang may relasyon ang TV host at si Kuya Escort Ion Perez ng It’s Showtime.

“Pero hindi ko alam kung sila na nga!” patuloy nito. “Sa nakikita ko, masaya naman si Vice, so kung saan siya masaya, du’n na rin ako.”

February pa pala nakilala ni Anton si Kuya Escort nang ipakilala siya rito ni Vice Ganda.

It was also around that time nu’ng napanood namin si Zeus Collins kasama ang Hashtags nang sabihin nito kay Vice ang, “Since misis ka na, alam naming ‘di ka na namin madalas na makakasama!”

So, totoo pala ‘yun!

Pero ang nakakapagtaka ay kung bakit nag-fall si Vice kay Ion?

Sa last interview sa kanya ni Boy Abunda, sinabi ng TV host na hindi niya maintindhan kung bakit he easily falls for a basketball player. Ilang beses na nga naman kasing naunsiyami ang relasyon niya sa mga basketeers. How many times did he fall for them and ended up brokenhearted? How many rubber shoes did he give them as gifts?

Siguro nga, napagod na ang puso ni Vice sa kahahanap ng ring players kaya heto, isang taong hindi nga basketbolista pero marunong namang mag-shoot ng bola sa puso niya ang kanyang nagustuhan.

Ang siste, how long will this relationship last? Baka mauwi na naman ito sa pagkaunsiyami ni Vice in the future?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page