top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

UST SINAKMAL ANG ATENEO SA GAME 1

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2019
2 min read

NAGPATULOY sa kanilang kamangha-manghang performance ang University of Santo Tomas makaraang gulantangin ang Ateneo de Manila University, 25-17, 25-16, 25-20, kahapon sa Game 1 ng UAAP Season 81 women’s volleyball best-of-3 Finals sa Araneta Coliseum.

Sa pamumuno ni season Most Valuable Player Sisi Rondina, hindi binigo ng Tigres­ses ang kanilang mga supporters na kabilang sa kabuuang 17,682 ng mga manonood na du­magsa sa Big Dome nang walisin nila ang Lady Eagles para maka­lapit sa una nilang titulo mula na huli silang pa­nalo noong 2012, Season 72.

Taliwas sa nauna nilang kabiguan sa Lady Eagles noong elimination round, walang meltdown na nangyari sa Tigresses na nagposte ng banderang tapos na panalo.

Winakasan din ng UST ang dominasyon sa kanila ng Ateneo na 15 beses na silang tinalo mula noong 2012.

Pinatunayan ni Ron­dina na karapat-dapat siyang maging MVP nang pangunahan niya ang panalo sa ipinoste niyang 23 puntos.

Kinakailangan na lamang ng Tigresses na magwagi sa Game 2 sa Miyerkules upang makopo ang titulo.

Nauna rito, humak­bang palapit sa asam na back-to-back championships ang National University matapos gapiin ang Far Eastern University , 21-25, 25-23, 25-23, 25-18.

Mula ng matalo no­ong opening day sa Ta­maraws, ito na ang ika-15 sunod na panalo pa­ra sa Bulldogs nga­yong season na naglapit sa kanila sa asam na ikala­wang sunod at pang-apat na men’s volleyball title.

Buhat sa dikit na laban sa unang tatlong frames, mistulang sa­sak­yang tumirik sa fourth frame ang Tamaraws dahil mula sa 4-0 pagka­kaiwan ay ‘di na sila nakaporma sa kalaban hanggang sa tuluyan silang layuan sa iskor na 20-13.

“Lumamang ka­mi sa experience namin sa championship at ‘yun ang nagamit namin sa larong ito,” ayon kay NU coach Dante Alinsu­nurin.

Pinamunuan ni James Natividad ang naturang panalo sa iniskor nitong 16 puntos mula sa 15 attacks at isang service ace. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page