top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

TV host, ayaw paniwalaan... HIRIT NG NAKAAWAY NA PRODU: KUNG TOTOONG MAY SAKIT SI KRIS, 'DI NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2019
  • 3 min read

NAG-AALALA ang mga fans ni Kris Aquino sa hitsura niya ngayon. Lubog ang pisngi at halatang malaki ang ipinayat ng kanyang katawan. Epekto ito ng sinasabi ni Kris na sakit niya. Kaya pati ibang bashers ni Kris, tila naging mabait na sa kanya.

Pero kung naniniwala ang marami na meron siyang matinding sakit, hindi ang dati niyang producer na si Rhodora Pascual Morales o mas kilala sa showbiz bilang si Tita Doray.

Parang hindi ako masyadong naniniwala doon. Healthy siya. Napakabanidosa ng babaeng ‘yun. Konting ano lang noon, nagpapagamot,” bungad ni Tita Doray sa ginanap na pagsasanib-puwersa ng ACTS-OFW partylist at ng LGBT para sa kanilang Anti-Discrimination Bill.

Si Tita Doray ang producer ng controversial special travel show ni Kris, ang Trip ni Kris na ipinalabas sa GMA-7 noong April 9, 2017. Pagkatapos ipalabas ang programa niya, naglabas ng mga isyu si Kris against Tita Doray at pati na sa anak niyang si Renan na nanalo sa Ferrari Challenge Cup Asia noong 2005.

Inakusahan ni Kris ang mag-ina na ‘super-nagamit’ siya. Pero pinabulaanan ni Tita Doray ang lahat ng akusasyon ni Kris at kasunod ang paghingi ng apology sa kanya ng TV host-actress.

“Healthy si Kris,” diin pa ni Tita Doray. “Basta may nararamdamang konti ‘yan, pupunta ‘yan sa tamang doctor na gusto niyang puntahan. So, hindi siya magiging malubha, for sure. Kung ‘yung kagan­dahan na nga lang niya, naayos niya, ‘yun pa kayang health niya na ganu’n? Hindi, hindi, hindi.”

Hindi raw niya nakita ang hitsura ni Kris nga­yon.

Payat na siya? Ay, gusto niya ‘yun, siyem­pre. Eh, nagbabayad ka nga nang milyon para mangayayat,” patungkol niya kay Kris.

Pero kung talagang may sakit daw si Kris, payo niya sa dat ing Kapamilya star na pagbutihin ang pagpapagamot.

“Magpagaling siya, huwag niyang pababayaan. Kaya lang, naapektuhan din ‘yung ibang tao na lagi niyang sinasabing may sakit siya, hindi ba? Puwede naman niyang sabihin na ‘Healthy naman po ako.’ Eh, di kung meron man siyang karamdaman, ‘wag na niyang ibando sa buong mundo. ‘Yun lang! I’m sure she’s healthy. She’s not that very, very sick. Or else, hindi na ‘yan nagsasalita, ‘di ba? Hahaha!”

Hindi pa rin daw sila nagkikita at nagkakausap ni Kris para pormal na magkaayos.

“She tried to apologize and all that, nag-text. After that, what for? Hindi ko na kailangang pahabain ‘yun, ‘di ba? Dapat may period na.”

Mas una naming nakilala si Tita Doray bilang kaibigan ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda. In fact, si Tita Doray ay recipient ng pinakamataas na karangalan mula sa Make Your Nanay Foundation ni Kuya Boy, ang Licerna R. Abunda award last year.

“Alam mo, mahal na mahal ko ‘yang si Tito Boy. Si Tito Boy, member ng LGBT, hindi mo maikakaila ‘yan. Extra talented siya, napakagaling, napakahu­say. Matagal na matagal na namin siyang kaibigan, umpisa pa lang doon sa asawa ng kasosyo ko,” aniya.

Si Tita Doray ay nagmamay-ari ng 16 kumpanya, kabilang na ang pagsu-supply ng kuryente sa Nueva Ecija, pharmaceuticals, brokerage, forwarding and logistics companies, consultancy, aviation, land development, at travel industry.

Paternal grandmother ng aktor na si Arjo Atayde ang business associate ni Tita Doray.

Ay, magaling ang batang ‘yan, mana sa ina. Magaling na artista, ke drama or aksiyon, or whatsoever. Mas pinili niya ‘yan. Nagbe-bless sa akin ‘yan. Nag-a-attend kami kapag may family gathering sila. Hindi lang ako nakaka-attend nu’ng nag-launch si Arjo at si Ria (Atayde) ng kung ano ba ‘yun? Lagi akong wala, eh.”

Ninang sa binyag ni Arjo si Tita Doray. Kaya ‘wag magta­ka kung maging ninang din si Tita Doray kapag pinaka­sa­­lan ni Arjo si Maine Men­doza.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page