top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Shoutout sa mga dehins marunong magpasalamat diyan... 5 ‘THANK YOU’S’ PARA SA MGA INA

Donna Thea Topacio
May 12, 2019
2 min read

‘IKA nga, hindi madaling maging ina dahil sa lahat ng problema, sakit o sakuna, “mama” ang binabanggit natin kahit ngayong malalaki na tayo, ‘yung tipong nakaasa tayo sa kanila. Kaya ngayong Mother’s Day, narito ang ilang pasasalamat na dapat nating sabihin sa kanila:

1. THANK YOU FOR ALL THE SACRIFICES YOU’VE MADE. Lahat ng ina ay may kani-kanyang sakripisyo ng nagawa para sa kanilang mga anak. Nariyan ‘yung panahon na mas inuuna nila ang mga kailangan ng kanilang mga anak kaysa sa pangangailangan nila. Kaya ‘yun ang dapat nating ipagpasalamat.

2. THANK YOU FOR SHOWING ME WHAT LOVE IS. Aminin man natin o hindi, iba ang pagmamahal na naibibigay ng ina sa kanyang mga anak, ito ay dahil sila ang nagdala sa sinapupunan ng siyam na buwan, gayundin, na mas showy sila sa kanilang nararamdaman.

3. THANK YOU FOR BEING A CHEERLEADER. Minsan, kahit na wala tayong talent, nandiyan pa rin si nanay para palakasin ang loob natin na sumali sa kung anu-anong contest sa school o barangay. ‘Ika nga, number one fan natin si nanay. He-he-he!

4. THANK YOU FOR ALLOWING ME TO MAKE MISTAKES. ‘Yung tipong kahit ilang beses tayo madapa, mabigo o magkamali, sa una lang sila magagalit, pero dahil sobrang mahal nila tayo, sa huli, hindi rin nila tayo matitiis kung saan du’n natin mare-realized na mahal talaga nila tayo. Hu-hu-hu!

5. THANK YOU FOR ALWAYS LISTENING. Nandiyan sila palagi para makinig sa mga hinaing natin sa buhay, mapatrabaho, school, love life o kaibigan man ‘yan, to-the-rescue si inay, ganu’n sila kapetmalu! Okie?

Kaya ngayong Mo­ther’s Day, hu­wag nating ipagkait sa ating mga mom­my, mama, nanay, inang, mamshie, mudra, motherearth ang pagbi­bigay ng pasasalamat sa walang sawa nilang pag-intindi at pang-unawa sa mga bagay na ating ginagawa.

MALIGAYANG ARAW NG MGA INA PARA SA LAHAT NG MGA TUMATAYONG ILAW NG TAHANAN!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page