Second baby nila ni Robin... MARIEL, UMAMING 3 MONTHS BUNTIS
- BULGAR

- May 12, 2019
- 2 min read

NAGDADALANTAO si Mariel Padilla sa pangalawa nilang anak ni Robin Padilla. Ito ang inanunsiyo niya sa It’s Showtime kahapon, in time for Mother’s Day celebration ngayong araw na ito.
Ibinalita ni Mariel ang good news sa Mother’s Day opening number ng It’s Showtime kahapon as she paid tribute to all the mothers.
“A few years ago, ‘pag Mother’s Day, para sa akin po, para lang siyang isang ordinaryong araw. But all of that changed when I became a mom myself,” simula ni Mariel.
“At kasama ko po kayo, madlang pipol, sa naging journey ko. From heartbreaking losses until finally I’ve had my baby girl, my Isabella. Nu’n ko po nalaman na iba po pala talaga ang hirap at ang saya ng pagiging isang ina.
“Sa career ko po, ang dami ko na pong nasubukan, pero none is as rewarding or even comes close to the job of being a mother. Iba po pala talaga,” patuloy niya.
“Kasi ‘di ba po, sa trabaho natin, meron po tayong day-off? Pero ang isang ina, ultimong naliligo ka na lang, iniisip mo pa, ‘Ano ba’ng ipapakain ko sa anak ko ngayong araw? Naayos ko na ba ‘yung damit na isusuot niya? Ano ba’ng schedule namin today?’ At lahat ng ‘yun, ginagawa natin nang buong puso,” dagdag pa ng TV host.
She went on saying kung gaano siya ka-thankful sa mga viewers ng It’s Showtime.
“At madlang pipol, gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat nu’ng mga panahon na kinailangan ko pong magpahinga, inintindi n’yo po ako.
“At lalo akong nagpapasalamat dahil nu’ng huli po akong bumalik, napakainit po ng pagtanggap n’yo sa akin. Kaya habambuhay po akong nagpapasalamat for that. Thank you for letting me enjoy motherhood. Maraming-maraming salamat po.”
Pagkatapos nito ay inanunsiyo na ni Mariel ang magandang balita.
“And today, I am so happy to share with all of you, isang espesyal na balita na nalaman namin ng asawa ko a few months ago.
“Si Isabella po ay magiging ate na,” pahayag ni Mariel na nagsimula nang maging emosyonal.
“I am three months pregnant with Baby No. 2. And ngayon pa lang, gusto ko po talagang magpasalamat sa inyong lahat dahil alam ko, kasama ko po kayong lahat na magdadasal, magmamahal at susuporta. Maraming-maraming salamat po,” saad pa ni Mariel.
Congrats, Mariel!





Comments