Sa piling mo Ni Ronalyn Seminiano Reonico


Nang magsimula ang lahat ang isipan, sa tunay na mundo’y namulat.
Narinig ang ilan sa mga pagluha mo habang ang mga aso’y hindi nalalayo.
Sa ilalim ng malamig na ulap, mga yakap ko sa iyong kayhigpit, tila nasa alapaap.
Hindi alam kung bakit nagbago ang mga puno sa panahon ng taglagas, tila dala’y bagyo.
Umuuwing tigib ng luha ang mga mata sa bawat pait ng salitang naririnig mula sa kuweba.
Kasabay nang higpit ng hawak sa aking mga kamay, ako’y dinala sa mundo ng mahikang puno ng kulay.
Ako’y inaliw hanggang malimot ang sakit, hapding dulot ng maingay na hangin na kaypait.
Ikaw ang pinakamagaling na mayroon ang buhay ko, ang kalakasan mo’y palakasin ako.
Sa mahiwagang tahanan,
Maliit, ngunit, malaki para sa tagu-taguan.
Nagsimulang magkaroon ng maliligayang araw, maliligayang panahong tila sumasayaw.
Panahon ng pitong duwende, prinsesa at pirata hindi alam kung sa dulo’y tahanan ni Snow White ang punta.
Ngayo’y batid na kung bakit nagbago ang mga puno sa taglagas at alam kong ika’y kasama hanggang sa dulo na walang wakas.
Maraming salamat sa pagtuon sa akin ng paningin at ika’y nananatiling nasa aking likuran.
Pinanonood ang aking unti-unting pagkinang, ako’y pinapatnubayan upang hirap ay ‘di masayang.
Hindi ko alam kung alam mo, kaya kukunin ko na ang pagkakataong ito na masabing ako’y lubos na maligaya, walang hanggang magpapasalamat at ikaw ang aking ina.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments