John Lloyd, taga-alaga ng baby nila... ELLEN, NANAY NA, TODO-GIMIK PA SA GABI

Beth Gelena / BULGARY FILES

NAISPATAN si Ellen Adarna na nakikipag-jamming sa isang bar sa Cebu City.
Sa video na kuha na naka-upload ngayon sa social media, batikos ang napala ng sexy actress.
Makikita sa video na kumakanta ang celebrity mom ng Visayan song kung saan kapansin-pansin na nag-i-enjoy siya sa kanyang ginagawa.
Ani ng netizens, akala raw nila, sa pananahimik ni Ellen at ngayong naging ina na ay magiging full time mommy na raw ito. Mabuti raw at pinapayagan pa siya ni JLC na makipag-mingle sa mga kaibigan niya.
May nagtanong pa, “Kasama ba ni Ellen si JLC sa pagna-night life? O si Lloydie ang naiwan sa house para magbantay sa baby nila?”





Comments