top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | Mayo 12, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 12, 2019 (Linggo): Darating at lilisan ang mga suwerte mo. Dahil dito, masasa­bing mapalad ka kaysa sa mga nag-aakalang sila ay pinagdaramutan ng ka­palaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat makuntento! Huwag kang maniwala sa mga nag­sasabing, dapat ang tao ay makuntento para hindi malito sa sobrang dami ng kanyang kayamanan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-28-35-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit kailan, hindi maganda ang nag-aalinlangan. Kaya labanan mo ang pag-aalinlangan nang sa gayun ay hindi ka maunahan ng iyong mga karibal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-14-25-34-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Lagyan mo ng harot at kakaibang saya ang kilos at pana­nalita mo. Mahirap mau­nawaan, pero ito mismo ang paraan para dumating ang mga suwerte mo. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-5-10-16-21-28-30.

CANCER (June 21- July 22) - Ganito ang sabi, naka­kakita ang nag­hahanap, pero ang ayaw maghanap ay walang maaasahan. Kaya hanapin mo ngayon ang para sa iyo at maka­aasa ka na ito ay iyong makikita. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-22-26-33-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magsabi ka sa langit ng iyong mga kahili­ngan. Kahit sobrang dami ng iyong hihilingin, ang lahat ng ito ay mapa­sasaiyo. Noon pa man, hinihintay na ng langit ang iyong mga panalangin. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-20-25-41-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Higit kailan­man, ngayon ay kailangan mong matalo ang lung­kot na sa iyo ay lumukob. Makaaasa ka na kapag nanalo ka, ang maga­gan­dang kapalaran ay magdaratingan sa iyong buhay. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-8-12-17-22-27-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lang kamalasan ang nakahahawa. Kapag dumikit ka sa taong alam mong sinusuwerte ang buhay, tiyak na ikaw din ay susuwertehin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-15-28-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo at sa muling pagpa­padama sa iyo nito, susuwertehin ka at ang mga lihim mong kaaway ay mamalasin nang todo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-20-21-27-36.

SAGITTA­RIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang kilos ng mga ka­may ayon sa dikta ng isip, ‘yun ang kanyang magi­ging kapa­laran.Wala ng mas gagan­da pa sa tao kundi ang kumilos at mag-isip ng positibo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-17-22-28-34-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte at kahit pa nakasarado ang bahay mo, kakatok ang mga ito. Ibig sabihin, anuman ang kalagayan mo ngayon, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-23-28-30-31-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masyadong malakas ang kapangyarihan ng iyong mga salita. Kung puwede, huwag kang magsalita ng masama sa iyong kapwa. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-20-24-28-33-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pumunta ka sa lu­gar na maganda at ang kapalaran mo ay gaganda. Kapag hindi sinasadyang napunta ka sa lugar na walang pag-unlad, ang kapalaran mo ay hindi uusad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-15-16-31-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page