top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Misis ni Robin, first time raw na-invite sa Palasyo, super proud… KRIS, TODO-SAWSAW KAY MARIEL, PABI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

ISA ang TV host na si Mariel Rodriguez sa mga celebrities na present sa ginanap na thanksgiving party sa Malacañang noong Martes (May 7) na inorganisa ni President Rodrigo Duterte at ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña.

Pero imbes na mag-focus sa maha­bang post ng TV host ang mga netizens, agaw-pansin para sa kanila ang naging komento ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa comment ni Kris, humingi siya ng tawad kay Mariel dahil hindi raw niya ito naimbitahan sa thanksgiving noong ang kapatid pa niyang si former President Noynoy Aquino ang nakaupo sa Malacañang.

Ikinuwento rin niya na kagaya ni Mariel, nag-violate rin daw siya sa pagsusuot ng mga skin baring outfits at ‘business attire,’ kung saan nag-back­less siya, halter at plunging na damit.

Dahil dito, maraming netizens ang umalma sa naging komento ni Kris sa post ni Mariel dahil ibinida na naman daw ng former presidential sister ang sarili niya.

Sey ng isang netizen: “And there it goes again, in the end, tungkol sa kanya pa rin nagtapos ang kuwento. Hindi puwedeng hindi!”

Marami ring netizens ang nagsasabi na halatang ayaw lang mapag-iwanan ni Kris kaya todo-comment ito sa naging post ni Mariel.

May ilan ding nagsasabi na ayaw daw magpatalo ni Kris dahil wala na silang kapangyarihan at wala na sa Malacañang. Pinuna rin ng ilan ang pagiging “pro-Duterte” ng TV host, pero hindi man lang na-invite sa thanksgiving dinner ni P-Digong.

Hirit naman ng isang netizen, muk­hang hindi raw maka-move-on si Kris sa naging ‘power’ ng pamilya niya da­hil naging presidente ng Pilipinas ang kanyang ina na si Cory Aquino at Kuya Noy kung saan ilang beses niyang naranasan na palagi siyang nasa itaas.

Kaya ngayong wala na sa posisyon ang kanyang pamilya, pilit ipinapaalala ni Kris sa mga tao na dati siyang taga-Malacañang.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page