top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | Mayo 11, 2019 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 11, 2019 (Sabado): Yayaman at magkakaroon ka ng malalawak na lupain. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling dumating ang mga araw para sa iyo at ito ay magsisimula ngayon kung kailan mas mabilis mong maisasagawa ang mga plano mo na may kinalaman sa pagpapalago ng kabuhayan. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-21-27-33-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikita ka ng marami at malalaki. Ang mga araw na ito ay para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-29-30-33-38.

GEMINI (May 21- June 20) - Magdahan-dahan ka nang sa gayun ay mapili mo ang pinakamagan­dang pagkakakitaan. Ang pagiging mabilis ay nag­dadala sa tao ng kawalang pagkakataon na mapili ang pinakamaganda. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-21-23-30-45.

CANCER (June 21- July 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang iyong kinaiinisan ay mapapalapit sa puso mo at ang iyong kinagigi­liwan ay mapapalayo sa loob mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-18-20-21-29-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malalaking alalay ang nakalaan para sa iyo. Puwede mo itong tang­gapin o hindi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-19-24-25-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo ang malalapit sa iyo kahit na ito ay labag sa kalooban mo. Mas magan­dang sundin mo ang Banal na Utos na mahalin ang kaaway. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-16-29-31-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakalakas ng kapangyarihan mo sa tuwing ikaw ay may hina­hawakan. Ang mahaha­wakan mo ay mapasu­sunod mo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-28-30-31-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Aakalain ng iba na mahirap kang pakitunguhan. Sa biglang tingin, ito ay parang totoo, pero ang natatagong katotohanan ay napaka­sarap mong magmahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-12-29-30-31-35.

SAGITTA­RIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumapit ka sa magagan­dang katangian mo. Hindi ka dapat magpatalo sa mga negatibong pananaw na naglalabas-masok sa isi­pan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-18-22-25-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang malaki, ‘yun ang para sa iyo. Ito ang gawin mong gabay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Ito rin ang susi mo para magka­roon ng katuparan ang iyong mga pangarap. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-27-34-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na mawawala sa harapan mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng dusa at lungkot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-22-28-30-31-38-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mapasasaiyo. Malabong mabigo ka, maliban na lang kung bigla mong binago ang gusto mo. Ang pagpa­palit ng pasya para sa iyo ay hindi makaga­ganda. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-7-21-29-35-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page