Girl ang panganay… BAGONG BABY NINA KEAN AT CHYNNA, BOY!
- BULGAR

- May 11, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

BOY ang second baby nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza at ipinaalam nila ang gender nito sa isang kakaibang gender reveal. Simple lang ang istilo at nagustuhan namin at ng mga netizens ang kanilang ginawa.
Nakipag-dinner sina Kean at Chynna sa respective families nila at isa-isa nilang tinanong ang family nila sa hula nila sa kasarian ng ipinagbubuntis ng aktres. Kani-kanyang hula ang mga tinanong at majority sa sagot nila ay “brother.”
Pati ang eldest nilang si Peanut, tinanong din ng parents niya kung ano ang gustong kapatid at “sister” ang sagot nito. May pasayaw-sayaw pa ang bagets habang hinihintay na i-announce ang gender ng magiging kapatid.
Sa hiniwang cake nalaman ang kasarian ng second Cipriano baby dahil color blue ang icing sa loob. Doon na nagpalakpakan at nagsigawan ang mga kapamilya nina Chynna at Kean.
Hindi namin alam kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis ni Chynna at kung kailan siya magsisilang. Basta, alam na nating baby boy ang second child nila.





Comments