Ayon sa mga eksperto... PAGKAIN NG ITLOG, EPEKTIB NA PANLABAN SA BLINDNESS!
- BULGAR

- May 11, 2019
- 1 min read

NOON pa man ay alam na natin ang mga benepisyong naibibigay ng itlog sa ating buhay dahil punumpuno ito ng protina na kailangan ng ating katawan.
Pero, bukod dito, ang itlog umano ay mainam din para sa kalusugan ng ating mga mata kung saan epektibo itong panlaban sa pagkabulag. Wow!
Ayon sa mga eksperto, ang puti ng itlog ay mayroong antioxidants na nakapagpapaganda ng kutis at nakawawala ng wrinkles. Gayunman, ang egg yolk ay mayaman sa lutein, ang uri ng carotenoid na tumutulong upang labanan ang macular degeneration na pinaniniwalaang nakabubulag.
Samantala, ang lutein ay natatagpuan din sa green leafy vegetables tulad ng kale at brocolli, pero ayon sa pag-aaral, sinasabi ng mga researcher na mas naa-absorb ang lutein na mayroon ang itlog kaysa sa mga leafy vegetable.
Dagdag pa rito, ang itlog ay mayroong zeaxanthin, ang antioxidant na matatagpuan sa egg yolk na pumoprotekta sa mga mata laban sa ultraviolet radiation mula sa sinag ng araw.
Kaya ang zeaxanthin at lutien ay nakare-reduce ng panganib sa pagkakaroon ng cataract o katarata.
Maliban pa rito, ang itlog ay nakatutulong sa weight management, brain development, lasting energy at source ng multivitamins.
Kaya kung bet ninyong magdiyeta, make sure na isa ang itlog sa mga pagkaing isasama ninyo sa inyong meal of the day. Okay?
Oh, ayan, sa mga feeling blurry diyan, itlog lang ang katapat niyan!
Mahirap ang magkaroon ng malabong mga mata, kaya habang maaga pa, eh, agapan n’yo na.
Gets n’yo?




Comments