Todo-displey ng mga piktyur sa socmed… TIM, GUMASTOS NG P15.6 MILYON SA 3 DAYS SA WORLD'S MOST E
- BULGAR

- May 10, 2019
- 1 min read

GRABEH!!! Napaka-rich talaga ni Tim Yap!
Imagine, isa lang naman siya sa mga unang guests sa itinuturing ngayong “worlds’ most expensive resort”, ang Banwa Private Island na matatagpuan sa Palawan.
Take note kung magkano ang rate per day sa naturang resort… P5.2 million lang naman!
At ang siste pa, 3 days daw ang minimum stay sa naturang posh resort, so that’s P15.6 M! Eh, di wooooow, ‘di ba?
Ipinost ni Tim ang mga pictures niya na kuha sa naturang resort sa kanyang Instagram account kaya tiyak na maraming celebrities ngayon ang inggit na inggit sa businessman-TV host.
Eh, di siya na!





Comments