MANILA AT CALOOCAN IMPRESIBO SA CBA


MAS nagpakita ng husay ang Manila nang talunin ang Rizal, 109-91, at kunin ang ika-6 na panalo sa pitong laban sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Founders Cup na idinaos sa Thoa Wild Center gym sa Valenzuela.
Sa pamumuno ni Almel Orquina, ginamit ng Manila ang balanseng pag-atake sa score upang pakapusin ang Rizal. Tumapos si Orquina ng 19 points, 4 assists at 3 rebounds para sa Sausage Kings na hindi natinag sa Chiefs tungo sa pagwawagi.
Dominante ang Sausage Kings kung saan ang limang players na sina Nitafan, Acibar, Mendoza, Tubera at Martinez ay pawang mga umiskor ng dobleng pigura. Perpekto rin ang laro ni Mark Yu sa bisa ng 8 puntos, 4 rebounds at 5 assists.
Sa kabuuan, ang Sausage Kings ay 55 percent na lamang sa pagdomina ng laro kontra Chiefs mula sa simula hanggang magtapos.
Lagpak ang score ng Rizal sa 0-5. Impresibo rin ang laro ng Caloocan na binigo ang Quezon City, 133-114, maging ang Valenzuela na ipinahiya ang San Mateo, 81-62, sa isang pares na North Division matches.
Nakapagbasket si Ervin Palencia ng 26 points, habang si Darwin Lunor ay dumagdag ng double double 22 points at 14 rebounds para sa Hurricane Saints na umangat sa solong ikatlong puwesto hawak ang ikaapat na panalo at may dalawang talo.
Dumagdag din si Palencia ng 9 assist at 2 steals para sa Caloocan. Si Clark Derige ay may 32 puntos at 15 rebounds para sa Q.C. na lagpak sa 1-6.
(MC)





Comments